Bakit ang tao takot aminin na mali siya?

ako, hindi. Di kase ako tao. Hahaha!

-curiouslangako

Nature na ba ng tao ang pagiging proud sa sarili?

o guni-guni ko lang ito?

Anong bagay sa iyo na proud na proud kang aminin?

hmm…ako? Cguro, minsan makapal lang talaga mukha ko pero minsan ayoko maging makapal, lalo na kung mga kaharap ko makapal na rin ang mukha. Ok na cguro un sa ‘kin. Wag ninyo na lang ako pansinin. Hahaha!

-curiouslangako

Sometimes…most of the time?

If you fall for a popular one, someone will try to steal him/her from you.

If you fall for an unwanted one, someone will tease and make fun of you.

If someone judged a book by its author, the only time when the author breaks his/her heart.
curiouslangako

If you’re on the top, try going down the stairs and know then back again from where you start, meet again the people you had past before you went up, also those who helped you get up, they might have done you missed, stay on every floor, see what’s below, see back where’s the entrance you came first and how hard was it to enter there, then start all over again, be a better person, now it’s time for you to lend your hand and help them get up high to see what you’ve seen, the beauty of BELOW from high above, RATHER than looking up higher on what’s high, and knowing no one but yourself, forgetting everything, feeling only that you’re the best, and saying everyone below you is weak and smaller, what’s left of you there is nothing, only darkness.
curiouslangako

I ask Tumblr!

Are you a blog, or just copy-paste of likes and posts?

Nothing can stop us now by Rick Price

Narinig ko ito minsan sa bus, syempre, pa-emo-emo na naman ako. Miss ko na kase ang “special someone” ko. At tama itong kantang ito - walang makakapigil sa amin, kahit maraming hadlang sa buhay, KAYA namin ito, KAYA namin ipag-laban ito, KAYA naming matupad ang mga pangarap namin, at KAYA namin mahalin ang isa’t isa kahit ang buong mundo man ay kumontra sa ‘min.

Kung mahal mo ‘ko, bakit…?

Eto ang mga katanungang maaring bumagabag sa isang relasyon, maaring naranasan ko na ito, ang iba’y naranasan ng iba, pero, ika nga, kanya-kanyang LOVE STORY yan!

Kung mahal mo ako, bakit…

    bakit mo ako hinahayaang maging malaya? Malayang lumandi?

——di ‘bat totoo? May magandang implikasyon ang pagiging malaya: ito ay malayang gawin ang gustuhing gawin, pero! Kung nasa isang relasyon ka, dapat alam mo ang mga limitasyon mo. Umiwas kang makipagkilala at makipag-close sa mga bagong kakilala na pakiramdam mo na ay may gusto sa’yo. Maari ka pa namang pagbigyan ng mahal mo kung ang kakilala mo ay matagal mo ng kaibigan pero, ‘wag naman sa point na mas marami ka pang oras sa kaibigan mo kesa sa mahal mo. At ikaw namang partner, kung wala kang pakiramdam na nagiging close itong bagong kakilala at ung mahal mo, hala! Hindi ka seryoso sa kanya! Dahil kung mahal mo ang isang tao, mararamdaman at mararamdaman mo ang selos o pagkulo ng dugo sa katawan mo kapag siya ay may iba ng mahal.

    bakit di mo ako kayang ipag-laban?

——May mga pangyayaring ganito ang inaasahan ng iyong partner sa’yo. Pero di ‘bat nakakasama ang mga expectations? Tignan nating mabuti, depende naman yan sa sitwasyon. Gagawin at gagawin naman lahat ng partner mo ang kanyang makakaya upang mapasaya ka lamang, minsan nga lang ung mga expectations mo ay hindi ung iniisip niyang ikatutuwa mo. Mag-usap kayo, i-share mo madalas sa kanya o ipakita kung ano-ano ang mga gusto mo. Pero ‘wag kang demanding! Eto lang naman ang maipapayo ko, appreciate mo ang mga bagay na nagagawa niya para sa’yo, dahil sa oras na ginawa niya ‘yon o nakita niya, IKAW ang naisip niya. Eto naman ang payo ko sa mga chena-challenge ang kanilang partner, WAG! Huwag na huwag mong gagawin yan, dahil siguradong iba ang iisipin ng partner mo. Ung kunwari gusto mo ipag-laban ka niya sa sitwasyon na habulin ka niya after mo siyang iwan sa ere at sinabi mo tama na na ayaw mo na? Naku! Sa teleserye lang ‘yan nangyayari! Ang iisipin ng partner mo, nagsawa ka na talaga sa kanya, masasaktan siya, at kung magkakatuluyan man kayo ulit, mawawala na ang dati ninyong samahan dahil alam niya na minsan nawalan ka na ng gana sa kanya - pero ang totoo challenge lang yon na ginawa mo para makita mo kung mahal ka nga niya. Kaya payo ko, HUWAG! Dahil kahit sa mga konting effort ng partner mo, tignan mo naman kung ano ung positive. Dahil madalas sa tao ngayon, nakikita na lamang sa kapwa ay ung mga negative, nakakalimtutan na natin ang mga nagawang kabutihan niya sa loob ng sampu, siyam, at kung ilang taon dahil lamang nakagawa siya ng isang pagkakamali.



Marami pang mga katanungan yan, na alam ko naman bawat relasyon ay maaring malampasan. Walang imposible kung kaya ninyo itong ipag-laban. Kanya-kanyang diskarte lang yan. Kung alam mong sa mga awayan ninyo, pareho kayong mataas ang pride, look at the bright side, huminga ka ng malalim at i-baba mo ang iyo. Kung siya naman ang mali at alam mo iyon, marerealize naman niya ang kanyang pagkakamali pag nagka-ayos na kayo. Minsan ang tao, lambingin mo lang yan, ngingiti na yan. At alam mo naman kung sadyang masungit ang partner mo, tanggap mo siya kahit ano pa ang ugali niya. 

LOVE is…ika nga, KANYA-KANYA yan!

-curiouslangako